Muling nagpamalas ng galing ang Kolehiyo ng Subic (KNS) matapos makuha ng graduate nitong si Richard Mapura ang Top 9 sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa Secondary Level.Ayon sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC), nakakuha si Mapura ng 93.40% board rating.Nagtapos siya sa KNS noong 2025 bilang Bachelor of Secondary Education major in Mathematics, at grumadweyt bilang cum laude.Chess champion din siya sa KNS.Bago pa ang board exam, nanguna na rin siya bilang Top 1 sa Mock Board Exam – General Education Part 5 noong Enero 1, na inorganisa ng Cleo Review Studio PH bilang preparasyon para sa LET noong Marso.Anak ng tricycle driver na si Roldan Mapura ng Brgy. Mangan-Vaca, si Richard ay consistent honor student — valedictorian sa elementarya, salutatorian sa high school.Para sa KNS, ang tagumpay ni Mapura ay patunay ng sipag, tiyaga, at kalidad ng edukasyon na hinuhubog ng paaralan.Inaasahan magsilbi siyang inspirasyon sa mga estudyanteng nangangarap para sa propesyon, pamilya, at bayan.Samantala, ayon kay Dr. Helen Gacillos, VP for Academic Affairs ng KNS, inihahanda na rin ang pagbibigay-parangal kay Richard, na kinabibilangan ng motorcade at courtesy call kay Mayor Jonathan Khonghun, Chairman of the Board of Trustees ng KNS.
Ulat ni Stephanie C. Barba (The Scholar, KNS)
